Mga pulis na nasampahan ng kaso dahil sa iba’t-ibang krimen, nadagdagan pa

Manila, Philippines – Mahigit 1,400 Metro Manila pulis na sangkot sa iba’t-ibang krimen tulad ng kidnapping at extortion ang nasampahan na ng kaso ng NCRPO simula Hulyo 2016.

Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, ang pagsasampa ng kaso sa mga naturang pulis ay bahagi ng kanilang paglilinis laban sa mga tiwaling pulis.

Tiniyak naman ni Albayalde na hindi sila titigil hanggang sa tuluyan nang malinis ang kanilang hanay at maibalik ang tiwala ng publiko sa PNP.


Wala rin aniyang dapat ikabahala at ikatakot ang publiko dahil hindi nila kukunsintihin ang anumang uri ng pang-aabuso ng kanilang mga miyembro.

Facebook Comments