Mga pulis na “overweight”, nanganganib sa promosyon!

Posibleng madiskwalipika sa promosyon ang mga pulis na overweight.

Ito ang babala ni PNP OIC Chief Lt. Gen. Archie Gamboa kasunod ng muling paghihigpit ng PNP sa tamang timbang ng mga pulis.

Aniya – 54% ng mga pulis ang may normal body mass index habang 36% ang overweight at 9% ang obese.


Lahat aniya ng mga overweight na pulis ay hindi papayagang kumuha ng specialization at career courses na mga prerequisites para ma-promote.

Sakop ng bagong panuntunan ng PNP ang lahat ng mga pulis mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na ranggo.

Maging si NCRPO Chief Brig. Gen. Debold Sinas ay nangakong magbabawas ng timbang.

Facebook Comments