Mga pulis na positibo sa COVID-19, halos mga symptomatic ayon sa PNP

Sa kabila nang patuloy ang pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga pulis, nanatili namang asymptomatic ang karamihan sa mga ito.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Dionardo Carlos sa harap ng punuan nang mga quarantine facility sa Camp Crame.

Ayon sa PNP chief, dahil asymptomatic naman, pinapayagan nilang sa bahay na lang mag-quarantine ang kanilang mga tauhan ng 5 hanggang 7 araw.


Pagkatapos nito ay isasailalim nila muli sa COVID test ang mga nagkasakit na pulis.

Sinabi ni PNP chief, patuloy ang paggawa nila ng paraan para matugunan ang dumaraming kaso ng COVID-19 sa PNP.

Ilan na rito ang pagdagdag ng halos 200 bed facilities sa kanilang training school at badminton court para naman sa mga may sintomas na pasyente.

Sa kasalukuyan, mahigit 4,000 ang aktibong kaso ng COVID sa PNP at patuloy pang nadaragdagan.

Samantala, sinabi ng PNP chief na balik na sya sa kanyang duty makaraang gumaling sa COVID-19.

Facebook Comments