Umabot na sa 3,035 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19.
Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Public Information Office, kahapon ay may panibagong 55 mga pulis ang infected ng COVID-19.
Dalawampu’t anim (26) sa mga bagong nagpositibo ay nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO), siyam sa National Operation Support Unit, anim sa National Administrative Support Unit, apat sa National Headquarters, tatlo sa PRO-CALABARZON at tig-dalawa sa PRO 7 at PRO 9.
Habang tig-iisang pulis naman ang tinamaan ng virus sa PRO 2, PRO 3 at PRO 6.
Pero good news, dahil sa bilang ng mga nagpositibo, 2,221 na ang gumaling habang inoobserbahan pa ang 760 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 2,417 suspected cases ng COVID-19.