Manila, Philippines – Nagbanta ang pinuno ng Manila Police District (MPD) sa lahat ng pulis Maynila na kanyang mamasuhin amg sinumang pulis na mapapatunayang protektor ng mga video karera sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay MPD District Director Brigadier General Vicente Danao Jr., hindi nito sasantuhin ang sinumang mahuhuling protektor ng mga video karera sa Maynila.
Ito ay matapos makakumpiska kahapon ng 75 mga video karera ang MPD na ipinakita sa media kung papaanong sinira kasama ang dashboard.
Paliwanag ni Danao talamak ang video karera sa lungsod at karamihan sa mga kabataan ay nalululong dito at kung minsan dito nagkakaroon aniya ng transakyon ng illegal na droga habang nag-video karera.
Giit ng heneral binalaan niya ang lahat ng mga pulis Maynila na mapapatunayan at mahuhuling protektor ng mga video karera na hindi siyang mangingiming ihambalos ang maso kanilang mga katawan kapag naaktuhang mahuhuli sa kanilang isinasagawang tuloy-tuloy na operasyon.