“Tiyakin n’yong mabibilang ang inyong mga boto.”
Ito ang ginawang paghikayat ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Dionardo Carlos sa mga tauhan ng PNP na rehistradong botante para sa eleksyon 2022.
Aniya, siya mismo ay boboto sa araw ng eleksyon sa May 9 kaya dapat ay tularan din ito ng kanilang hanay.
Kaugnay nito, kaniyang sinabi na dapat maging maaga ang mga pulis sa pagboto para magampanan agad ang kanilang trabaho sa nalalabing oras ng eleksyon.
Paalala niya naman sa mga pulis, manatiling walang kinikilingan at huwag sumawsaw sa politika.
Sa ganitong paraan kasi ay magiging balanse ang PNP.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang Local Absentee Voting sa PNP kung saan mahigit 30,000 nilang mga tauhan ang nakatakdang bumoto hanggang Biyernes, April 29.