MANILA – Iniimbestigahan na ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang nasa 1,800 pulis na sangkot sa bentahan ng ilegal na droga sa bansa.Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Rogelio Casurao, kasunod na ito ng mga natanggap na nilang mga reports mula sa iba’t-ibang intelligence agencies.Aminado naman si Casurao, na dumarami ang bilang ng mga pulis na nasa listahan na dawit sa droga.Tiniyak naman ng NAPOLCOM na gagawin nila ang lahat para matukoy ang mga pulis na sangkot sa ipinagbabawal na gamot.Nabatid na inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa isang libong pulis ang sangkot sa ilegal na droga.
Facebook Comments