Mga pulis na sangkot sa ilegal na droga, pinaghahanap na ng PNP

Manila, Philippines – Tinutunton na ng Philippine National Police (PNP) ang mga pulis na sangkot sa ilegal na droga.

Sa datos ni Pangulong Rodrigo Duterte nasa 9,000 pulis ang pinaniniwalaan dawit sa kalakalan ng ilegal na droga.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, katumbas ito ng limang porsyento ng kabuhuang hanay ng pambansang pulisya.


Ito aniya ang pinagsama-samang datos ng pangulo mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Dagdag pa ni Dela Rosa – tulu’y-tuloy din ang internal cleansing sa kanilang hanay.

Sa nabanggit na bilang, sinabi ni Dela Rosa na hindi lahat sa mga ito ay direktang gumagamit ng ilegal na droga.

Maaring kasama na rito ang mga protektor na naiipit sa ilegal na transaksyon sa pagitan ng mga drug lords at ng mga pulitiko.

Facebook Comments