
Muling iginiit ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang kahalagahan ng integridad at disiplina sa hanay ng kapulisan, kasabay ng babala sa mga commander na siguraduhing gumagawa ng tama ang kanilang mga tauhan.
Sa isinagawang flag raising ceremony sa Kampo Crame kanina, binigyang-diin ni Gen. Marbil na wala nang second chance para sa mga pulis na nasasangkot sa katiwalian.
Kabilang sa kanyang mahigpit na binantayan ang walong pulis mula sa Eastern Police District na kinasuhan ng patung-patong na reklamo matapos ang isang ma-anomalyang operasyon sa Las Piñas City.
Aminado ang PNP chief na kakaunti lamang ang mga tiwaling pulis, ngunit ang pinsalang dulot ng kanilang mga gawa ay sumisira sa dignidad at uniporme ng buong Pambansang pulisya.
Kasunod nito, nanawagan si Marbil ng pagkakaisa at kooperasyon mula sa lahat, at hinikayat ang kapulisan na ipakita sa taumbayan na sila ay karapat-dapat pagkatiwalaan.