Mga pulis na sangkot sa pagkamatay kay dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, isinailalim na sa booking process

201
Manila, Philippines – Isinailalim na sa booking procedure ang labing siyam na pulis na sangkot sa pagpatay kay dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa sa Baybay City Jail noong Nobyembre 2016.
 

Ayon kay PNP region 8 Regional Dir. Chief Supt. Elmer Beltajar, kusang loob na sumuko ang mga ito sa CIDG region 8 sa Palo, Leyte.

 

Una nang nagpalabas ng warrant of arrest ang Baybay Leyte Regional Trial Court branch 14 dahil sa kasong murder laban sa mga nasabing pulis.

 

Ilan sa mga nasabing pulis ay sina PSupt. Marvin Wynn Marcos, dating CIDG region 8 Director PSupt. Santi Noel Matira, PC Insp. Leo Laraga, SPO4 Melvin Cayobit, PO3 Johnny Ibañez, PC Insp. Calixto Canillas Jr., SPO4 Juanito Duarte, PO1 Lloyd Ortigueza, at PS Insp. Fritz Blanco.

 

Aniya, oras na natapos na sa booking procedure o ang pagsasagawa ng fingerprinting, documentation, mugshot at medical examination sa 19 na pulis, ibabalik na agad sa Korte ang warrant of arrest at maghihintay sila para sa ilalabas na commitment order ng Korte para matukoy kung saang ikukulong ang mga ito.

 



Facebook Comments