Mga pulis na sangkot sa pagkamatay ni Carl Angelo Arnaiz, sasampahan ng Public Attorney’s Office sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Nakatakdang kasuhan ng Public Attorney’s Office (PAO) sa susunod na linggo ang mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Carl Angelo Arnaiz.

Kabilang na rito sina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita.

Ayon kay PAO chief, Persida Acosta – iisang kaso lang ang pagkamatay nina Carl at ang 14-anyos na si Reynaldo De Guzman na bangkay na nang matagpuan sa Gapan, Nueva Ecija.


Naniniwala rin si Acosta – na gawa-gawa lang crime scene ni Carl sa Caloocan at hindi ito ang saktong lugar kung saan pinatay ang binata.

Ganito rin ang findings sa pagpatay kay Reynaldo.

Umalma naman si Caloocan Chief Of Police, S/Supt. Jemar Modequillo dahil nahuhusgahan na sila kahit nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Giit pa ni Modequillo – hindi konektado ang kaso ni Carl kay Reynaldo.

Facebook Comments