Manila, Philippines – Naghain ng not guilty plea para sa kasong homicide ang 19 na pulis na sangkot sa pagkamatay kay dating Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Nabatid na nakapagpiyansa na ang grupo ni CIDG region 8, Chief Supt. Marvin Marcos matapos ibaba sa homicide ang kasong murder laban sa kanila.
Ayon kay Atty. Ronald Inting, tagapagsalita ng mga abogado ng mga akusado – hindi planado ang pagpatay kay Espinosa at tinutupad lang ang kanilang responsibilidad.
Pero sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre – wala siyang kinalaman dito.
Giit naman ni Senate President Koko Pimentel – posible muling buksan ng senado ang ginawa nitong imbestigasyon sa kaso.
Depensa naman ni Aguirre – walang kapangyarihan ang senado na baligtarin ang resolusyon ng DOJ.
Maari aniya lamang umapela ang mga senador sa korte na ibalik ito sa murder.
Samantala, kinatigan din ng huwes ang plea ni Pol. C/Insp. Leo Larraga, pulis na pumatay kay Mayor Espinosa, kaugnay sa kanyang justifying circumstance na self-defense lamang nagawa kaya napatay ang naturang opisyal.