Mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Calbayog Mayor Aquino, sinampahan na ng NBI ng murder

Nagsampa na ang National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong murder laban sa siyam na pulis na sangkot sa pamamaril at pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldop Aquino at kanyang mga kasamahan nitong Marso.

Kasong murder at frustrated murder ang ihahain ng NBI laban sa mga pulis sa Department of Justice (DOJ).

Ayon kay NBI Deputy Director for Regional Services Atty. Antonio Pagatpat, hindi ito chance encounter, maituturing itong premeditated.


Si Mayor Aquino at kanyang kasamahan ay pinagbabaril sa Laboyao Bridge sa Barangay Lonoy.

Bagamat inihayag ng mga pulis na gumanti lamang sila nang sila ay pinaputukan ng mga tauhan ng alkalde, lumalabas sa CCTV na binuntutan ng mga pulis ang alkalde sa loob ng 17 minuto bago siya namatay.

Pagkatapos ng pamamaril, isang putting pick-up ang nakipaggitgitan sa sasakyan ni Mayor Aquino na sinusundan ng isang itim na SUV.

Nahuli ang mga suspek na inilalagay ang mga baril sa loob ng sasakyan.

Facebook Comments