Ipinag-utos na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na disarmahan ang mga pulis na sangkot sa pagpatay sa apat na sundalo sa nangyaring misencounter sa Jolo, Sulu.
Ayon kay Año, ilalagay ang mga dawit na pulis sa kustodiya ng Sulu Provincial Police Director.
Aniya, iimbestigahan sila ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Sinabi ng kalihim na magkatuwang palagi ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa paglaban sa terorismo kaya nais niyang malaman ang tunay na nangyari.
Magkakaroon din ng hiwalay na imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI).
Facebook Comments