Mga pulis na sangkot sa pagpatay sa 4 na sundalo sa Jolo, posibleng kasuhan ng murder

Posibleng maharap sa kasong murder ang mga pulis na dawit sa shooting incident sa Jolo, Sulu na ikinamatay ng apat na sundalo.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, nakakatanggap sila ng mga ulat na ang insidente ay may kinalaman sa away pamilya at ilegal na droga.

Aniya, sinisilip na nila ang mga nasabing anggulo.


Pero ano pa man ang motibo, murder pa rin aniya ang nangyari.

Dagdag pa ni Año, lalabas din sa forensic investigation na murder ang nangyari bunga na rin ng mga tama ng bala na natamo ng mga biktima.

Ang National Bureau of Investigation (NBI) ang pangunahing tanggapan na nakatutok sa imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments