Mga pulis na sangkot sa pamamaril sa mga sundalo sa Jolo, Sulu pormal nang kinasuhan ng NBI

Pormal nang kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga tauhan ng Jolo Philippine National Police (PNP) na sangkot sa pamamaril na ikinamatay ng mga sundalo sa Jolo, Sulu.

Ang pagsasampa ng kasong kriminal ay pinangunahan ni NBI Western Mindanao Regional Director Moises Tamayo.

Partikular na isinampa ang kasong four counts ng murder at planting of evidence laban kina Master Sgt. Abdelzhimar Padjiri, Master Sgt. Hanie Baddiri, Staff Sgt. Iskandar Susulan Sr. Sgt. Ernisar Sappal, Corporal Sulkinandaki, Patrolman Mohammad Nur Pasani, Sr. Sgt. Aldudzrin Hadjaruddin, Patrolman Alkajal Mandangan at Patrolman Rajiv Putalan.


Inirekomenda rin ng NBI ang paghahain ng reklamong neglect of duty laban kina Sulu Provincial Director Col. Michael Bawayan, Jolo Police Chief Major Walter Annayao, Sulu Provincial Drug Enforcement Unit Chief Capt. Ariel Corcino.

Magugunitang noong June 29, 2020, nasa operation laban sa suicide bombers ang militar nang maganap ang pamamaril.

Facebook Comments