Mga pulis na sangkot umano sa pagkamatay ni Kian Delos Santos, hindi nagsumite ng counter affidavit sa PNP Internal Affairs Service

Manila, Philippines – Wala sa labing pitong pulis na akusado sa pagpatay kay Kian Loyd Delos Santos sa Caloocan City ang nagsumite ng kanilang counter affidavit PNP Internal Affairs Service.

Dahil dito sinabi ni PNP Internal Affairs Service inspector general Atty. Alfegar Triambulo, inendorso na niya ang kaso sa hearing officer para sa summary dismissal proceedings.

Kabilang sa mga pinagsusumite ng counter affidavit Senior Supt. Chito Bersaluna, Chief Inspector Amor Cerilo, PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Perede at PO1 Jerwin Crus at labing tatlong iba pa dahil sa serious neglect of duty.


Matatandaang noong August 25, binigyan ng PNP IAs ng limang araw ang mga pulis na magsumite ng kani-kanilang counter affidavit.

Facebook Comments