Mga Pulis Na Suspek Sa Pagdukot At Pagnanakaw Sa Tatlong Koreano Sa Angeles City, Pampanga, Pinagmumura Ni Pnp Chief Ron

11

MANILA – Pinagmumura ni Philippine National Police Chief Dir. Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang mga pulis na sangkot sa pagdukot at pagnanakaw sa tatlong Koreano sa Angeles City, Pampanga.Sa pagharap ni Dela Rosa sa pitong mga suspek na pulis sa kampo ng Angeles City Police Office, isa-isa niya itong pinag-push up at tinanong kung bakit nagawa ang krimen.Sagot ng mga pulis, legitimate ang operasyon na lalong ikinagalit ng PNP Chief.Pagkatapos nito, kinausap din ni Dela Rosa ang mga opisyal ng Angeles City PNP at tinanong kung bakit nangyayari ang ganoong katiwalian sa kanilang lugar pero hindi na sumagot ang mga ito at tumahimik na lamang.Kabilang sa mga pulis na sangkot sa pagdukot at pagnanakaw sa mga Koreano ay sina PO3 Arnold Nagayo; PO3 Roentjen Domingo; PO2 Richard King Agapito; PO2 Ruben Rodriguez; PO3 Gomerson Evangelista; PO1 Jayson Ibe at Si PO1 Mark Joseph Pineda na mga nakatalaga sa Station 5 ng Angeles City PNP.

Facebook Comments