Mga pulis na tinaggal sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa mga illegal na aktibidad, umabot sa 90

Aabot sa 90 pulis ang na-dismiss sa serbisyo matapos masangkot sa iba’t-ibang aktibidad.

Ayon kay PNP OIC, Lt/Gen. Archie Francisco Gamboa – naitala nila ito sa nagdaang dalawang buwan o katumbas ng dalawang pulis kada araw.

Ang crackdown sa mga pulis na sangkot sa mga ilegal na aktibidad ay bahagi ng internal cleansing program ng pambansang pulisya.


Aminado si Gamboa na malaking hamon para sa PNP na ibalik ang tiwala ng publiko.

Tiniyak naman ng PNP na paiigtingin ang paglilinis sa kanilang hanay upang maialis ang mga pasaway na pulis.

Facebook Comments