Mga pulis na tinamaan ng COVID-19, pumalo na sa 179!

Nakapagtala ng karagdagang 39 na bagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang hanay.

Sa update ng monitoring report, sinabi ng PNP Health Service na umabot na sa kabuuang 179 ang mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

57 rito ang nakarekober habang apat ang nasawi.


Samantala, ang natitirang 118 na aktibong kaso ay mahigpit na inoobserbahan at binibigyan ng medical attention.

Nasa quarantine facilities na ang 91 na pasyente habang ang anim ay nasa ospital at ang 21 iba pa ay naka-isolate sa kanilang tahanan.

Facebook Comments