Mga Pulis ng Datu Piang, Maguindanao na nakipagbarilan sa mga sumalakay na BIFF paparangalan ng PNP

Bibigyan ng parangal ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang 22 tauhan ng Datu Piang, Maguindanao Police na nagtanggol sa bayan sa ginawang pag-atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, ang pagbibigay nila ng parangal ay isang paraan sa pagkilala sa katapangan na ipinakita ng mga pulis sa pagdepensa sa kanilang kampo, sa simbahan at eskwelahan nitong December 3.

Ayon kay PNP Chief, gumana ang Community Integrated Defense Plan (CIDP) ng Datu Piang Police kaya’t napigilan nila ang pag-atake.


Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng Special Promotion, Awards and Decorations Board (SPADB) ang mga awards na ibibigay sa kanila.

Mangunguna sa bibigyan ng parangal si Datu Piang Chief of Police, Pol. Capt. Israel Bayaona.

Si Bayaona ay pansamantalang tinanggal sa puwesto upang isailalim sa debriefing at ibinalik na rin sa pwesto.

Matatandaang aabot sa 50 kasapi ng BIFF ang sumalakay sa Datu Piang, Maguindanao noong December 3 at sinunog ang kanilang patrol car pero hindi na sila nakagawa pa ng karahasan nang makipaglaban ang mga pulis at dumating ang kanilang reinforcement mula sa militar.

Facebook Comments