Nagtulong-tulong kahapon ang mga pulis ng Pasig City sa paggawa ng isang bahay na pagmamay-ari ng isang Person with Disability (PWD) sa nasabing lungsod.
Ayon kay Pasig City Philippine National Police (PNP) Chief Police Colonel Roman Arugay, ang nasabing inisyatibo ay bahagi ng isang programa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na may layunin na magbigay ng tulong sa mga vulnerable na indibidwal sa komunidad.
Aniya, ang kanilang napili ay isang bikitima ng multiple cardiovascular malfunction na nakatira sa barong-barong na bahay sa Sibol Compound, Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.
Dahil hindi accessible ang bahay ng kanilang recipient, nagtulung-tulong ang mga pulis na mano-manong dalhin ang mga construction material sa lugar kung saan nakatira ang kanilang beneficiary na kailangan pa nilang itawid sa ilog.
Maliban sa pag-aayos ng bahay, nagdala rin ang mga pulis ng supply ng pagkain.