Cauayan City, Isabela- Ginawaran ng Medalya ng Papuri at Kagalingan ang mga tauhan ng Quirino Police Provincial Office (QPPO) kasabay ng personal na pagbisita ni Regional Director Police Brigadier General Steve Ludan ng Police Regional Office (PRO) 2 sa San Leonardo, Aglipay sa nasabing Lalawigan.
Kabilang sa mga nabigyan ng medalya ng Papuri ang mga personnel ng Maddela Municipal Police Station na nakuha ang unang pwesto, pangalawa ang Diffun Police Station habang nakuha naman ang ikatlong pwesto ng Nagtipunan, Saguday, Aglipay at Cabarroguis Municipal Police Stations.
Bunga na rin ito ng kanilang patuloy na pagsasagawa ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) at kampanya kontra insurhensiya.
Binigyan din ng Medalya ng Kagalingan ang 2nd Provincial Mobile Force Company ng Quirino PPO dahil sa kanilang ipinakitang magandang performance sa pagpapatupad sa programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) na dahilan ng boluntaryong pagsuko ng mga miyembro ng Milisyang Bayan at Teroristang NPA.
Kinilala rin sa pagdalaw ng pinuno ng PRO2 ang 1st Provincial Mobile Force Company sa inisyatibang pagkakaroon ng Project “BATMAN” na ang ibig sabihin ay “Be A Total Man”.
Sa mensahe ni RD Ludan, ang mga magagandang programa at aktibidades ng kapulisan ng Quirino ay bunsod na rin ng Intensified Cleanliness Policy ng PNP.
Nagpaabot din ng pasasalamat si RD PBGen. Ludan sa mga personnel ng QPPO dahil sa kanilang dedikasyon sa pagbibigay serbisyo sa publiko.