Nakita ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) na mayroong planting of evidence sa mga pulis Pampanga na naaresto dahil sa pangingikil at pagkulong sa 13 indibidwal na wala namang kaso.
Ayon kay IMEG-Director Police BGen. Warren de Leon, nagtanim ng iligal na droga ang mga pulis sa pagsalakay nila sa bahay ng mga biktima para sila ay maaresto.
Aniya, maraming iregularidad na nakita ang tulad ng panghihingi nila ng pera sa mga biktima.
Samantala, sinabi naman ni De Leon na base sa records, lumalabas na 5 mula sa 7 naarestong pulis ay dati nang nagkaroon ng kaso sa Internal Affairs Service dahil sa neglect of duty.
Nakabalik lamang ang mga ito sa pwesto dahil tapos na kanilang suspensyon.
Kasalukuyang nasa PNP National Headquarters ang 7 naarestong pulis at nahaharap sa reklamong arbitrary detention at unlawful arrest.