Manila, Philippines – Mariing ipinaalala ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde sa mga pulis ang utos Ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag uminom ng alak sa mga pampublikong lugar.
Ayon kay Albayalde, malinaw ang mandato ng Pangulo na dapat ay hindi pumunta ang mga pulis sa nightclubs, beer gardens, karaoke bars, illegal gambling dens at iba pang lugar na nakalaan para sa mga bisyo.
Aniya, ang paglabag sa direktiba ng punong ehekutibo ay maituturing bilang grave misconduct na may kaakibat na parusa na dismissal sa serbisyo.
Iginiit ni Albayalde, batay sa Section 3.1 ng PNP Ethical Doctrine and Code of Professional Conduct and Ethical Standards, dapat ay sumunod ang PNP members sa pinakamataas na standards ng morality at decency at dapat ay maging maganda silang halimbawa para sa iba.