Mga pulis, pinagsusuot ng body camera kasunod ng madugong operasyon sa mga Parojinog ng Ozamis City

Ozamis City – Hiniling ni ANGKLA Rep. Jess Manalo na paggamitin ng body camera ang mga pulis na nasa operasyon katulad na lamang nang nangyaring police operation laban sa mga Parojinog sa Ozamis City na ikinasawi ng 15 katao.

Giit ni Manalo, ito ay para maiwasan ang mga pagdududa at ispekulasyon sa ginagawang operasyon ng mga pulis sa mga sangkot sa iligal na droga.

Paliwanag ni Manalo, kung may mga body cam ang mga pulis ay dito na papasok ang scientific evidence at unedited video ng actual police operation para magkaroon ng tamang closure ang imbestigasyon.


Kinalampag din ng kongresista ang gobyerno na tustusan ang bagay na ito para maiwasan ang mga kapalpakan at paghihinala sa tuwing may police operation.

Sa ihahaing panukala ni Manalo, ang bodycam video na ito ay hindi dapat na alisin at i-switch off ng pulis na nasa operasyon at para mahigpit na masunod ito ay dapat tapatan ng suspension without pay na parusa.

Facebook Comments