Pinayuhan ni NCRPO Director Guillermo Eleazar ang kanyang mga tauhan na samantalahin ang absentee voting.
Sa ilalim ng resolusyon, pinayagan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga pulis na naka-assign sa NCRPO at Camp Crame na bumoto bago pa man ang May 13 elections kung saan naka-heightened alert ang buong pwersa ng PNP.
Maaari silang bumuto simula bukas, April 29 hanggang sa miyerkules, May 1.
Isasagawa ang absentee voting sa:
- Camp Crame Multi-Purpose Hall sa Quezon City
- Malabon City Police Station
- Eastern Police District Headquarters sa Pasig City
- Pateros Municipal Hall
- Quezon City Police District Headquarters
- Regional Mobile Force Battalion Multipurpose Hall, Camp Bagong Diwa sa Taguig City
Kasabay nito, hinimok ni Eleazar ang mga pulis na iboto ang mga kandidatong sa tingin nila ay magdadala ng matinong liderato sa bansa.
Facebook Comments