Mga pulis sa Bangsamoro Autonomous Region, gumagamit ng ‘Rolling Stores’ para magbenta ng mga pangunahing pangangailangan ng mga taga Lanao Del Sur

Para hindi na lumabag pa sa ipinatutupad na social distancing kaugnay sa umiiral na Enhanced Commnunity Quarantine, nakaisip ang PNP Bangsamoro Autonomous Region na gumawa ng  “Rolling Stores” para sa mga taga Lanao Del Sur.

Ayon kay Police Captian Jemar Delos Santos ang tagapagsalita ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, mga pulis na mismo ang pumupunta sa mga kabahayan para hindi na umalis pa ng kanilang bahay at mamalengke kaya nagbebenta sila sa pamamagitan ng “Rolling Stores” ng mga pangunahing pangangailangan.

Ito ay ang bigas, sardinas, noodles at 3in1 Coffee na kanilang ibinebenta sa murang halaga.


Natuwa naman si PBGen. Manuel Manalo Abu, Regional Director ng PRO BAR sa pakikiisa dito ng mga taga Lanao Del Sur.

Ginagawa nila ang operasyon ng Rolling Stores sa walong bayan sa Lanao Del Sur na bahagi ng kanilang pagsunod sa ipinatutupad na Bayanihan We Heal as One Act katuwang ang lokal na pamahalaan ng Lanao Del Sur.

Facebook Comments