Mga pulis sa CALABARZON, inalerto sakaling kailanganin ang evacuation dahil sa aktibidad ng Bulkang Taal

Handa na ang CALABARZON Police sakaling kailanganin ang kanilang pwersa sa paglilikas ng mga tao.

Ito ay kung tuluy-tuloy ang aktibidad ng Bulkang Taal na sa ngayon ay patuloy ang pagbuga ng sulfur dioxide.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar, inalerto niya na ang CALABARZON Police para dito.


Utos niya rin sa mga ito na makipag-ugnayan sa mga Local Government Unit (LGU) para matukoy kung anong tulong ang kanilang kakailanganin para sa mga residenteng apektado ng activity ng bulkan.

Nabatid na nakataas ngayon sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal.

Nangangahulugan ito na posibleng magkaroon na ng magmatic activity na maaring maging sanhi ng pagputok nito.

Kabilang sa pinatitiyak ni Eleazar na siguraduhing walang makalalapit sa volcanic island para maiwasan ang peligro.

Facebook Comments