Baguio City, Philippines – 64 na miyembro ng Police Regional Office-Cordillera (PRO-COR) ang matagumpay na natapos ang apat na buwang kurso para sa kinakailangang safety training sa lahat ng police motorcycle riders na ginabayan ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HGP) ng rehiyon.
Sinabi nina PRO-COR director Pulis Brigadier General Rolanda Nana at PNP-HPG director Brigadier General Roberto Fajardo na ang naturang training ay mahalaga lalo na sa mga operasyon nila sa kalsada.
Dagdag ni Fajardo, gusto ng HPG na masigurado na lahat ng police motorcycle riders ay may sapat na kaalaman at may kamalayan sa safety procedures sa pagsakay ng motorsiklo upang mabisa nilang magawa ang kanilang mga tungkulin.
Kasama si Baguio City Police Officer director Police Colonel Eliseo Tanding sa mga nagtapos ng apat na buwan na Motorcycle Riding Course and the Motorcycle Riding and Safety Training kung saan ay siya ang namuno sa mga kalahok.