Inutos na ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga tauhan sa hilagang Luzon na maging alerto at handa.
Ito ay dahil sa inaasahang epektong dulot ng Bagyong Kiko na nagbabanta sa gitna at hilagang Luzon.
Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, hinihintay na rin niya ang ulat sa kaniya ng mga pulis mula sa CALABARZON, Bicol at Eastern Visayas kaugnay sa pinsalang tinamo maging kung ilan ang mga naapektuhan ng Bagyong Jolina.
Ito ay para maihatid ang kaukulang tulong sa mga nasalanta ng kalamidad at maipaayos agad ang mga himpilan ng pulisyang napinsala rin ng bagyo.
Bilin din ni Eleazar sa mga pulis sa mga lugar na tatamaan ng Bagyong Kiko na patuloy na makipag-ugnayan sa kanilang lokalidad para mai-deploy agad ang mga tauhan at kagamitan na kakailanganin.