Central Visayas- Bumisita sa Police Regional Office -7 ang mga opisyal ng pulis sa Chungnam province sa South Korea upang mas patibayin ang relasyon sa pagitan ng pulis sa Central Visayas.
Sa pangunguna ni PRO-7 director , Chief Supt , Jose Mario Espino at ni Sr. Supt. General Jae Won Kim , binuksan ang isang kapsula na nasa hallway ng pro-7 headquarters na nagpapatunay sa mas pinagtibay na relasyon ng PNP at ng Chungnam Provincial Police Agency ng South Korea.
Inobserbahan din ng police official ng korea kung paanong naestablisa ang isang Korean desk kung saan idinudulog ng mga turista koryano ang kanilang reklamo o problema.
Pinasalamatan ni General Kim ang magandang pagtrato ng mga pulis sa kanilang mga turista sa Cebu at ibang lugar rehiyon lalo na kapag sila ay naging biktima ng anumang krimen.