MGA PULIS SA PANGASINAN NA MAHOHOSPITAL SA R1MC, WALANG BABAYARAN

Mga pulis sa Pangasinan na mahohospital sa R1MC, walang babayaran lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Pangasinan Police Provincial Office at ang Region 1 Medical Center sa Magilas Hall Camp Gov Antonio Sison Lingayen Pangasinan.
Pinangunahan ni Police Colonel Jeff Fanged, Officer-in-charge ng PNP Pangasinan at Joseph Roland Mejia, Center Chief ng R1MC.
Nakasaad sa MOA na maglalaan ang ospital ng private rooms para sa mga aktibong miyembro ng pulisya sa Pangasinan na macoconfine sa kahit na anumang sakit. Walang babayaran ni singko ang mga ito na sakop ng zero balance billing.

Sakop din dito ang immediate family ng pulis gaya ng asawa at anak. Kinakailangan lamang na ipresenta ang PNP ID, letter of authorization mula sa PNP, health form kasama na ang Philhealth.
Bukod dito, magtatalaga din ng Medical Specialist ang R1MC sa kampo ng PangPPO upang mapadali ang pagbibigay ng serbisyong medikal.
Samantala, maglalaan ng dalawang ambulansya ang R1MC dito upang mas mapabilis at mapagigting ang pagresponde ng pulisya sa mga aksidente. |ifmnews
Facebook Comments