Ipinaalala ni Pangasinan Police Provincial Director PCOL Rollyfer Capoquian sa mga kawani ng pambansang pulisya sa lalawigan na panatilihing ang pagiging ‘apolitical’ sa papalapit na halalan.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Capoquian na ang responsibilidad ng kapulisan ay ang pagpapanatili ng kaayusan at pangalagaan ang integridad tuwing halalan.
Sa parehong ulat, inihayag naman Ng Police Regional Office 1 na dapat pairalin ng kapulisan ang core values ng tanggapan na pagiging maka diyos, makatao, makakalikasan at makabansa bilang tagapagpatupad ng batas.
Samantala, nagpapatuloy ang pakikipagdiyalogo ng Pangasinan PPO sa mga kandidato sa probinsiya bilang pagpapanatili ng kaayusan sa probinsiya sa darating na Halalan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments