Manila, Philippines – Isasailalim sa stress debriefing at neuro psychiatric tests ang mga pulis ng QCPD na sumasabak sa anti-drug campaign.
Ayon QCPD director Police Senior Superintendent Guillermo Eleazar, mas matinding pagsubok at mas mabilis ang galaw ng mga pulis ngayon partikular na ang nasa frontline ng pagbaka sa kriminalidad at sa nakikidigma sa illegal drugs kung kayat kinakailangan na may intervention para maibsan ang kanilang stress.
Layunin naman ng neuro-psychiatric test na matiyak na kayang mabantayan ng mga pulis ang kanilang sarili sa gitna ng probokasyon o paghamon sa kanilang otoridad sa mga mapanghamong sitwasyon.
Facebook Comments