Mga pulis sa Region 5 nakaalerto na rin sa epekto ng Bagyong Odette

86

Handa na rin ang mga pulis na nakatalaga sa Police Regional Office (PRO) 5 sakaling magbago ang tinatahak na direksyon ng Bagyong Odette at tamaan ang Bicol.

Ayon kay PRO 5 Regional Director Police Brigadier General Jonnel Estomo, ipinag-utos niya sa Reactionary Standby Support Unit (RSSF), Search and Rescue (SAR) Team, at Quick Response Team (QRT) na manguna sa rescue operations, clearing operations, relief operations at iba pa.

Binabantayan din aniya ng mga pulis ang lahat ng pantalan para matiyak na nasusunod ang “no sailing policy”.


Habang nakipag-ugnayan na rin sila sa lahat ng Local Government Units (LGUs), at sa Office of the Civil Defense (OCD) Region 5 para sa iba pang paghahanda.

Facebook Comments