Mga pulis sa Zamboanga Peninsula, mas nakaalerto matapos ang pananambang sa dalawang alkalde

51

Nakaalerto ngayon ang iba’t ibang unit ng pulisya sa Zamboanga Peninsula matapos ang nangyaring pananambang sa dalawang alkalde ng Basilan kaninang umaga.

Kinilala ng Police Regional Office 9 ang mga biktima na sina Mayor Alih Awal Sali ng Akbar, Basilan at Mayor Darussalam Saguindilan Lajid ng Al-Barka.

Sa ulat, padaong na sana ang mga bangkang sinasakyan ng grupo nila Sali at Lajid sa Seaside, Baliwasan nang paputukan sila ng may apat na salaring sakay naman ng motorsiklo dakong alas-8:00 kaninang umaga.


Dead on arrival sa Brent Hospital si Mayor Lajid maging ang driver nito habang kritikal naman si Mayor Sali na nasa Ciudad Medical Zamboanga.

Sa ngayon, ikinakasa na ng hot pursuit operations laban sa mga suspek.

Facebook Comments