Nagbukas ng bagong kurso ang Philipppine National Police Directorate for Information and Communications Technology Management (PNP DICTM) para mapalawak ang kasanayan ng mga pulis sa modernong teknolohiya.
Ayon kay PNP DICTM Director Police Maj. General Valeriano de Leon, ang bagong kurso ay bahagi ng digital transformation roadmap ng PNP.
Ani De Leon, ang digitalization ng PNP sa pamamagitan ng paperless communication at data sharing sa mga operasyon ay isa sa mga prayoridad ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr.
Sinabi pa nito na dahil sa mabilis na pagbabago sa larangan ng information and communications technology, kailangang maging one step ahead ang pambansang pulisya sa mga kriminal na namamayagpag sa cyberspace.
Facebook Comments