Mga pulis, sundalo at bumbero inatasan ni Pangulong Duterte na kumilos para sa mas mabilis na relief & rehabilitation efforts sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette

Pinakikilos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng tauhan ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Bureau of Fire Protection (BFP) para tumulong sa relief and rehabilitation efforts ng pamahalaan sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Sa pagbisita kahapon ni Pangulong Duterte sa Puerto Princesa City, Palawan, sinabi nito na mahalaga ang papel ng mga pulis para magbantay at magpanatili ng peace and order lalo na sa ganitong sitwasyon.

Mahalaga rin aniya ang pwersa ng mga pulis at sundalo sa rehabilitasyon, lalo na sa pagdadala ng mga materyales sa pagpapatayo ng mga winasak na bahay.


Inatasan din ng pangulo ang BFP na paganahin ang lahat ng firetrucks mula sa mga lugar na wala namang sunog para magkarga ng tubig at i-deliver ito sa mga lugar na kailangang-kailangan ng tubig.

Facebook Comments