
Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na mga pulis na tatayong miyembro ng board na magsisilbi sa May 12 national and local elections sa buong Maguindanao.
Sa Meet the Manila Press forum, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, ito ang consensus ng en banc para matiyak ang seguridad sa lalawigan.
Aniya, hindi na rin nila gagamitin ang mga guro para magsilbi sa board sa araw ng eleksyon.
Matatandaang una nang sinabi ng Comelec na may mga pulis silang isinailalim sa training para magsilbi sa eleksyon sa mga lugar na may karahasan.
May rekomendasyon din ang electoral board na buong lalawigan ng Maguindanao kasama ang Del Norte at Del Sur ay isailalim na sa Comelec control pero ito ay pag-aaralan pa ng Comelec en banc.
Ang inirerekomenda pa lang kasi ni Garcia ay ang pagsailalim sa Datu Udin Sinsuat sa Maguindanao del Norte sa Comelec control kasunod ng pagkamatay ng election supervisor.