Inutos na ng Joint Task Force COVID Shield (JTF CV Shield) sa mga police commander na makipag-ugnayan sa mga Social Welfare Department ng Local Government Unit (LGU).
Ito ay upang sagipin ang mga katutubo na nagsasagawa ng Christmas caroling.
Ayon kay JTF CV Shield Police Lieutenant General Cesar Hawthorne Binag, kailangang masagip ang mga katutubo dahil bawal ngayon ang Christmas caroling dahil sa banta ng COVID-19.
Ito’y para hindi sila mahawa at hindi na rin makapanghawa.
Sinabi ni Binag na sa ngayon ay may mga katutubo na silang namataan sa ilang mga kalsada.
Ilan pa nga raw sa mga ito ay walang suot na face mask at may karga pang mga bata.
Kadalasan nilang ginagawa ang mangatok ng sasakyan o kaya naman ay sumabit sa jeepney.
Kaya naman tinututukan din ng mga pulis ang pag-rescue sa mga katutubo para i-turnover sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).