Mga pulitiko, dumagsa sa tindahan ng mga pampaswerte sa Binondo, Maynila

Ilang oras bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, dumagsa ang mga pulitiko sa tindahan ng mga pampa-swerte sa Binondo, Maynila.

Ayon kay Ginang Maxima Tiu, karamihan sa mga bumili sa kanila ng pampaswerte kanina ay mga lokal na opisyal mula sa mga lalawigan.

Sa ngayon aniya ang pinakamabili sa kanila ay ang Rat o daga na lucky charm.


Ngayong hapon ay mangilan-ngilan na lamang ang namimili ng mga pampaswerte sa Binondo dahil pawang abala na ang mga tao sa paghahanda sa kani-kanilang mga tahanan.

Pero ayon kay Ginang Tiu, mula January 2 hanggang sa chinese new year sa January 25 ay muling dadagsa ang mga mamimili ng pampa-swerte.

Facebook Comments