Mga pulitikong nanunuhol sa mga rebeldeng komunista, bumaba

Nabawasan na ang bilang ng mga politikong nagbibigay ng pera sa mga komunistang grupo ngayong eleksyon.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, batay ang impormasyon mula sa PNP at AFP.

Pero may ilan pa ring kandidato aniya ang nanunuhol pa rin sa mga rebeldeng grupo kapalit ng proteksyon sa halalan.


Tiniyak naman ni Malaya, na patuloy silang kumakalap ng mga ebidensya laban sa mga pasaway na politiko para sila ay makasuhan.

Facebook Comments