Manila, Philippines – Itinanggi ng ilang pulitiko ang pagkakadawit nila sa ilegal na droga.
Ito ay matapos silang mapasama sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nasupresa si Pangasinan Representative Jesus Celeste sa pagkakasama niya sa narco-list lalo at idineklarang “cleared” siya ng Regional Peace and Order Council (RPOC) sa anumang drug links.
Isinisisi naman sa pulitika ni Pasuquin, Ilocos Norte Mayor Ferdinand Dancel Aguinaldo ang pulitika at hinamon niya ang mga awtoridad na magsagawa ng public validation ng listahan.
Naniniwala rin si Lucena City, Quezon Mayor Roderick Alcala na pulitika rin ang nasa likod ng kanyang pagkakasama sa listahan.
Itinuturing ni Alcala itong “blackmail” mula sa kalabang political family
Hindi na rin nasupresa si San Rafael, Bulacan Mayor Cipriano Violago Jr. dahil inaasahan niyang sisiraan siya ng mga kalaban sa pulitika para mapababa ang tiyansang manalo siya sa darating na eleksyon.
Iginiit ni Violago na idineklarang “cleared” din siya ng Regional at National Police at nakatakda sa de-listing.
Ipinagkibit-balikat naman ito ni Maasin, Iloilo Mayor Mariano Malones na aniya, hindi ibig sabihin na kapag kasama na sa listahan ay guilty na agad.
Pinabulaanan din ni Carles, Iloilo Mayor Sigfredo Betita at Subic, Zambales Mayor Jefferson Jay Khonghun ang alegasyon.
Nabatid na nasa 35 alkalde, pitong bise alkalde, tatlong kongresista at isang provincial board member ang iniuugnay sa illegal drug trade.