Mga pulitikong sangkot sa illegal drugs, kakasuhan kasabay ng pagbubulgar sa narco list

All set na ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa gagawing pagsasapubliko ng narco-list ilang araw bago ang pagsisimula ng local campaign period.

 

Ayon kay DILG Usec. Jonthan Malaya,  handa na rin ang kanilang legal department sa paghahain ng kaso laban sa mga pulitikong sangkot sa iligal na droga.

 

Ito ay matapos rin ang koordinasyon nila sa PDEA, Comelec at iba pang ahensya ng gobyerno na tumulong sa pakalap ng mga ebidensya.


 

Paliwanag pa ni Malaya, ang pagbubulgar nila sa narco-list ay magsisilbi ring gabay ng mga botante sa darating na halalan.

 

Kabilang sa mga ibubunyag ng DILG ay ang mga pangalan ng ilang Gobernador hanggang Vice Mayor.

 

Noong nakaraang linggo, nakipagpulong si DILG Sec. Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte kung saan nagbigay ng go signal ang chief executive sa gagawing hakbang ng kagawaran.

Facebook Comments