Mga pulitikong umiikot na sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa harap ng pandemya, insensitive ayon kay VP Robredo

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na insensitive ang ibang pulitikong may planong tumakbo sa susunod na halalan na mag-ikot na sa bansa habang naghihirap ang mga Pilipino mula sa COVID-19 pandemic.

Iginiit ni Robredo na hindi susi sa panalo ang mag-ikot sa bansa.

Inihalimbawa niya ang kanyang sarili na nagkaroon siya ng last-minute decision na tumakbo sa pagkabise presidente noong 2016 mula sa kanyang nakatakdang pagtakbo bilang kongresista.


“Hindi ko sinasabi na dahil iyon iyong pattern, iyon iyong gagawin ko rin. Pero tingin ko kasi napaka-insensitive natin sa pinagdadaanan na kahirapan ng mga kababayan natin kung sa gitna ng pandemic, ang naisip natin iyong umikot para sa 2022 elections,” sabi ni Robredo.

Dagdag pa ni Robredo, binoto siya ng kanyang mga taga-suporta bilang bise presidente hanggang Hunyo 30 ng susunod na taon, kaya gagawin niya ang trabaho hanggang sa matapos ang kanyang termino.

Balewala lang din kay Robredo ang pagiging kulelat sa mga survey.

Iginiit ni Robredo na desisyon ay hindi dapat nakatuon kung tatakbo siya o hindi, pero tungkolv sa pagpili ng tamang kandidatong mamumuno ng bansa.

Facebook Comments