Inaasahang mapagagana na bago matapos ang Abril, ang mga pumalyang planta ng kuryente na nagresulta sa pagdedeklara ng red at yellow alert status sa Luzon Grid.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Department of Energy (DOE) Asec. Mario Marasigan na nakikita nilang babalik na sa Abril 20 ang serbisyo ng mga pumalyang planta.
Bukod dito, may isang pumalyang planta rin umano ang inaasahang babalik na sa full operations sa katapusan ng buwan.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Marasigan na sa ilalim ng grid operating and maintenance program, ipinagbabawal ang maintenance activities ng mga planta tuwing summer o tag-init.
Gayunpaman, hindi pa rin umano maiiwasan ang biglaang outage ng mga planta dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari o insidente, tulad aniya ng isang sasakyan na maaaring biglaang masiraan kahit pa kumpleto ito sa maintenance.