Mga pumapasadang jeep, dapat dagdagan sa halip na bawasan ang distansya ng mga pasahero

Kaisa si Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa mga nananawagan na hindi dapat iksian ang 1-metrong distansya ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan, sa halip ay dagdagan ang mga bumabiyaheng pampasaherong sasakyan.

Giit ni Go sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), payagan na sana ngayong bumiyahe ang iba pang mga transportasyon para hindi na mahirapan ang publiko at para kumita na rin ang mga operators at drivers ng Public Utility Vehicles (PUVs).

Aniya, tama lang na ipagpaliban muna ang pagpapaluwag sa health protocols sa pampublikong transportasyon laban sa COVID-19 dahil delikadong sumugal dahil may posibilidad na mas kumalat pa ang virus.


Naniniwala ang opisyal na importante ang ekonomiya, pero mas higit ang buhay ng bawat Pilipino.

Facebook Comments