Mga pumasa sa BCLTE, FO, at POE, inilabas na ng CSC

Inilabas na ng Civil Service Commission (CSC) ang listahan ng mga pumasa sa Basic Competency on Local Treasury Examination (BCLTE), Fire Officer Examination (FOE), at Penology Officer Examination (POE) na ginanap noong Hunyo 2, 2024.

Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles, kabuuang 8,493 examinees ang pumasa sa pagsusulit kung saan 938 dito ay para sa BCLTE, 5,566 para sa FOE, at 1,989 para sa POE.

Paliwanag ni Nograles, ang mga pumasa ay kumakatawan sa 11.09%, 65.54%, at 23.43% ng kabuuang bilang ng examinees para sa bawat kaukulang pagsusulit.


Dagdag pa ni Nograles, ang pinakamaraming bilang ng mga pumasa sa Fire Officer at BCLTE ay mula sa Southern Tagalog na aabot sa 11.30% at 13.33% habang 16.39% ng mga pumasa sa POE ay mula sa National Capital Region.

Facebook Comments