Sa naging panayam kay City Agriculturist Engr. Ricardo Alonzo, nasa 341 aniya ang kabuuang bilang ng mga nakuha sa naturang programa ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na binubuo ng 222 na kalalakihan at 119 na kababaihan.
Inabisuhan ang mga nakuhang aplikante na wala pang passport na hintayin lamang ang ipinangakong mobile passporting ng pamahalaang panlalawigan para matulungang makapag proseso at makakuha ng pasaporte.
At para naman sa mga may passport ay maaari nang mag-ayos at ihanda ang mga kinakailangang dokumento tulad ng mga sumusunod: -Marriage Contract -Birth Certificate of Children -Biodata with picture (white background) -Barangay Certificate of Residency -Barangay Certification stating as a bonafide farmer -Photocopy of Passport, 2 pcs colored -Guarantee Letter Hand Written signed by Barangay Captain, Applicant and Spouse (notarized) -3 pcs Korean size pictures -Medical Certificate from accredited Hospital or Diagnostic Center.
Ayon pa kay Alonzo, ang pagpapadala sa mga nakuhang magsasaka para sa pagtatrabaho sa bansang South Korea ay hindi sabay-sabay dahil dipende sa kanila kung sino ang unang makakakumpketo ng requirements.
Oras naman na makarating sa SoKor ang mga nakuhang magsasaka ay sasalang na ang mga ito sa training na may kaugnayan sa agrikultura gamit ang mga makabagong teknolohiya ng naturang bansa.
Nilinaw naman ni Alonzo na aakuin ng nakuhang aplikante ang mga gastos sa pagpunta sa South Korea tulad ng kanilang allowance at plane ticket.
Paalala nito sa mga pumasa sa screening at mayroon ng passport na bilisan ang pag- asikaso sa mga ibinigay na requirements ng provincial Government dahil kung mayroon ng schedule ng first batch ay maaari nang maipadala sa South Korea.